Thursday, November 22, 2012

Apple iPhone 5s



Rumors

   It's been rumored that Apple is going to release their next generation iPhone. There isn't any proof that solidifies this rumor. Though, seeing the release of the iPhone 5, Apple looks like they were catching up something within the smartphone battle. 

   Let's look at some points why this rumor could be true.

  • Apple Maps - Since the release of the iPhone 5, a lot of users aren't impressed with the brand new maps application. In Fact, some users download Google Maps or Jailbreak their iPhones for the sake of using the old one.
  • iOS 6 - Some say that this update was one of the worst updates ever. I don't know why but, maybe because it doesn't have an Untethered Jailbreak yet. Who knows? I, personally don't have any problems with this update. Business is business, if the consumers aren't happy, the company will do something better.
  • Minor Upgrades - Some people say that the iPhone 5 is not that big of a change. Apple did increase the screen size for sure but, that's all in it. Though it boasts the new battery saving Apple designed A6 chip, in using the iPhone 5, nothing has been changed. Really. Not to mention its ultra-hard body.
  • Release Dates - I'm not sure about this but, since the release of the original iPhone way back in 2007, the iPhone 2g, 3g, 3gs, and 4 were all released during the summer season. When iPhone 4s was released, it was fall. Same as the iPhone 5. No one knows for sure but, maybe they're trying to get back on track in terms of schedule.
   Now, if this is going to be true, what new features and updates would there be in the new iPhone 5s? Here's a list of what i think.

  • Apple designed A6x chip, at 1.3Ghz Quad Core?
  • 12mp Rear Camera & 5mp Front Facing Camera?
  • Multitasking Enabled ^_^
  • No more Home Button for more screen size?
  • New iOS version w/ fixed Apple Maps Application
  • and probably a lot more. Haha! xD
   So what do you think? Leave a comment and be sure to spread the word. I'll keep posting for future updates. ^_^

Here's a video about this rumor.


Wednesday, November 21, 2012

Tamang paggamit ng iTunes

iTunes


   Maraming iDevice users ang nalilito at hindi marunong gumamit ng iTunes. Ang iTunes ay parang kapatid ng iPhone, iPod, at iPad. Kapag wala ka nito, para mo na ring sinabi na, may ari ka nga, wala ka namang partner.

  iTunes - hindi ko alam kung ano ito. Sabihin na lang natin na, ito ang File Management System/Application na nasa Computer mo. Kung ano ang na sa iTunes mo, yun din ang laman ng iDevice mo.

   Paano ba ito gamitin? Sa una, nakakalito talaga. Nasanay tau na lagay nlng ng lagay sa mga device natin. Mapa USB hanggang External Drives.

   Ituturo ko sa inyo kung pano gamitin ang iTunes ayon sa klase ng File na gagamitin natin.

  Mga uri ng common Files na pwedeng gamitin ng iTunes.


  • Photos (JPEG,BITMAP, atbp.)
  • Music (MP3)
  • Videos (MPEG4 Files Only para sure)
  • Books (PDF at nangangailangan ng iBooks App na pwedeng i-download sa Apple Store. Libre lamang ito)
  • Apps (Mula Games hanggang Productivity. Mga Apps na pwedeng i-download sa Apple Store at (Installous - Sa mga may Jailbreak))
   Advisable na sa bawat Files na ito, ay may kanya kanyang Folder sa Computer mo. Parang ganito.

PHOTOS

   Umpisahan ntin sa Photos. Buksan ang iTunes at isaksak ang iDevice. Makikita mo ang pangalan ng iDevice mo. i-click mo ito. Ito ang sa akin.


   Makikita sa itaas ang Summary, Info, Apps, Tones, Music, Movies, TV Shows, Books, at Photos. i-click ang Photos at eto ang makikita mo.


   May mga options diyan na pagpipilian. Kung gumawa ka ng folder para sa mga photos mo, dito mo na rin siya hahanapin. Kapag ikaw ay nakapili oh nahanap mo na ang photo oh folder na hinahanap mo, i-click ang "Apply" oh "Sync" na nasa bandang baba, gawing kanan.

MUSIC


   Sa music naman. Kelangan natin ilagay ang lahat ng music mo sa computer papuntang iTunes.

   Ang gagawin mo lang ay, Buksan ang iTunes, pindutin sa keyboard ang "Ctrl + O" (Control + letter O), at hanapin ang folder kung saan nakalagay lahat ng music mo. Piliin lahat ng music at i-click ang "Open".



   Pwede ring, hanapin mo muna lahat ng Music mo, piliin ito lahat, right click, at piliin ang "Open with..", at hanapin ang iTunes. Automatic na siyang malalagay sa iyong iTunes.



   Isaksak ang iDevice, tulad ng nasa itaas kanina, i-click ang "Music", siguraduhing may check ang "Sync Music" at nakapili ang "Entire music library". I-click ang "Apply" oh "Sync" na nasa bandang baba, gawing kanan.

VIDEOS


   Pareho lang ito ng ginawa natin sa Music. Ilalagay natin lahat ng Videos oh Movies sa ating iTunes. Dapat MPEG4 oh MP4 ang File Type ng Video at wala nang iba.

   **Tandaan, naka depende sa iPhone mo ang Video na ilalagay mo. Depende sa resolution na kayang hawakan ng iyong iPhone.

   Video resolutions na pwede sa iba't ibang iPhone:

  • iPhone 5, 4s - 1080p and lower Video Resolution
  • iPhone 4 - 720p and lower Video Resolution
  • iPhone 3gs and Earlier Generations - 480p and lower Video Resolution
   Kung naka iPhone 3gs ka tulad ko, hindi ka pwedeng maglagay sa iPhone mo ng 1080p dahil hindi niya ito kaya.

   Ang paglalagay ng Videos oh Movies sa iyong iTunes ay pareho lang ng paglalagay ng Music sa iTunes. Nandun na rin ang mga Options kung gusto mo ilagay lahat, oh pipili ka lang ng gusto mong ilagay.

BOOKS

   Kung mahilig kang magbasa ng FHM, Cosmo, at kung anu-ano pang magazine, mapa Pocket Book hanggang Mahahalay na babasahin, kailangan mo munang magdownload ng App sa Apple Store na iBooks. Libre lang itong App na ito.

   Magbibigay ako ng isang link sa inyo bilang isang halimbawa kung saan pwede kayong mag download ng magazine sa inyong computer.

Link - FHM Magazines

   Mga PDF Files ang magandang gamitin sa App na ito. Bukod sa malinaw na, w/ pictures pa. Ma-sasatisfy nga naman talaga ang kahalayan mo, oh ang pagkahilig mong magbasa.

   Ang proseso ng paglalagay ng PDF Files oh Magazines ay pareho lang ng mga unang nabanggit. Sa mga oras na ito, sigurado akong natututo ka na kung paano gamitin ang iTunes.

APPS


   Eto na ang pinaka masaya sa lahat. May dalawang klase ng paglalagay ng Apps. Ang iTunes, at Cracked Apps.

   Sa iTunes, Makikita mo sa bandang kaliwa ang iTunes Store. Mula dito, makakapag download ka ng mga Apps na libre at meron ding may bayad. Dito magandang i-download ang mga Social Networking Apps tulad ng Facebook, Twitter, atbp.

   Cracked Apps naman ang mga Apps na may bayad sa Apple Store "NGUNIT", pwede mo itong i-download ng libre lamang. Dito magandang mag download ng mga Games, Photo Editor, atbp. Pwede ka rin mag download ng tutorial kung paano tumambling.

   **Tandaan, kahit meron kang cracked apps, hindi mo ito mailalagay sa iDevice mo kung wala ka namang Jailbreak. Tignan ang nauna kong post tungkol sa pag Jailbreak. At kung may katanungan, mag iwan lng ng comment.

   Ang Cracked Apps ay sa Computer lamang na-iddownload. Ang proseso ng paglalagay nito papuntang iTunes ay pareho lang ng mga nauna. Ang pinaka masayang parte rito ay ang pagkakaroon ng mga may bayad na Apps, pero libre mo lang makukuha.

   At dahil mabait si ako (hehe), bibigyan ko kayo ng link kung saan pwedeng mag download ng mga Cracked Apps.

Link - APPTRACKR

   Pag experimentuhan nyo lang ang mga pa sikot sikot ng iTunes. Basta laging iisipin na, ang iTunes ay isang Management System. Parang katulong kumbaga.

   Huwag mahiyang magtanong. Ginagawa ko ito para makatulong, at para sa ating lahat. Para makatipid na rin tulad ng paglalagay ng games. Kesa pupunta kpa sa Greenhills, kaya mo namang gawin mag-isa.

   Mag-iwan ng comment kung may hindi masyadong malinaw sa instructions.

   Ang susunod nating tatalakayin ay ang "JAILBREAK APPS & TWEAKS". Saya di ba?! haha!!

Tamang paggamit ng iPhone

   SETUP

   Usong-uso na nga talaga ang iPhone dito sa Pilipinas. Ano nga ba ang magandang gawin sa iPhone mo para mas ma-enjoy mo nga naman ang paggamit nito? Pangit naman kung gagamitin mo siya bilang isang ordinaryong smartphone lamang. Meron din namang iba na bumili ng iPhone para masabing meron lang sila. Tuturuan ko kayo ng tamang paggamit ng iPhone niyo at para maka iwas na rin sa gastos na hindi naman talaga kelangan.

   Umpisahan natin sa pag se-setup ng inyong iPhone. Kung bago mo lang nabili ang iPhone mo, mas maganda kung ikaw mismo ang magse-setup nito at hindi ung tindahan na pinagbilhan mo. Pero kung wala kang sariling computer, ipa setup mo na lang ito kung saan mo siya binili. Kung nabili mo naman ito ng 2nd hand oh galing sa nakaw, mas magandang gawin mo rin ito para masabing ikaw nga ang may ari nito.

   Mga kailangan:

  • iPhone (Siyempre)
  • 30-pin/Lightning Connector (Ang USB cable na kasama nito)
  • Computer (Siyempre)
  • Internet Connection (Importante to sa mga susunod na ituturo ko)
  • Latest version of iTunes (i-google ito, i-download, at dapat ang latest version ang inyong i-install. Mahahanap ito sa WWW.APPLE.COM)
  • Wi-Fi Connection (Optional lang ito pero mas ok kung meron nito)
   Kung handa na ang lahat ng ito, tumambling kna at humandusay sa gitna ng kalsada. Ahahahahah!!

   Sa pag ON ng inyong iPhone, ito ang screen na babati sau.


   Mga gagawin:

  • Buksan ang iTunes sa inyong Computer
  • isaksak ang Cable Connector sa Computer at sa iPhone (Babasahin ng iTunes ang inyong iPhone)
  • Lalabas sa iTunes ang screen na nagsasabing "Setup as a new iPhone" at "Restore from backup". Piliin ang "Setup as a new iPhone"
  • Lalabas naman ang screen kung saan i-sysync mo ang iyong Contacts atbp. Alisin ang mga check sa screen na nakikita mo dahil wala ka pang contacts. (In short, wala ka pang kaibigan. xD)
  • I-click ang "Done"
   Mag-sysync na ang iyong iPhone at hintayin itong matapos. Pag ito naman ay natapos na, balikan ang ating iPhone at tumambling ka ulit.

   Sa iyong iPhone, sundin ang mga proseso na makikita dito. Kung may Wi-Fi, gumawa ka na rin ng Apple Account at ito ay libre lamang. Siguraduhin lang na naka "Off" ang "Location Services" at "Send Diagnostics".

   Pag natapos na ang lahat, kumuha ng lubid, kunin ang alagang pusa, at ilakad ito sa labas ng bahay. Haha!!

   Meron ka nang BRAND NEW iPhone!! Congrats!!

   Pero hindi dyan nagtatapos ang lahat.

JAILBREAK

   Bakit nga ba halos lahat ng may iPhone ay may Jailbreak? Kasi, dito magiging masaya at makabuluhan ang paggamit ng iyong iPhone. Malalaman niyo rin kung bakit. Ituturo ko sa inyo ang tamang pag Jailbreak ng inyong iPhone. Sundin at basahin ang mga susunod kong ilalagay.

   Nakakabuwisit isipin na may ibang pumupunta pa sa kung saang-saan paayusan para maipa-jailbreak nila ang iPhone nila. Magbabayad kpa, pero ituturo ko na lang sa inyo para kayo na lang mismo ang gumawa nito ng libre lamang.

  Ano ba ang Jailbreak? Para sa inyong kaalaman, ito ay illegal dahil hindi naman ito sakop ng Apple. Gawin niyo ito sa sarili niyong konsyensya. Huwag naman kayong mag-alala dahil, hindi ka naman makukulong dahil dito. Hindi ito kasing sama tulad ng tawag dito, "JAILBREAK".


Jailbreak - Sabihin nalang natin na ito ay isang pamamaraan ng paghahack ng System Processes ng inyong iPhone. Marami kang magagawang sulit dahil dito. Maiiwasan din ang paggastos ng limpak limpak na salapi sa pamamagitan nito.

   Merong tatlong klase ng Jailbreak. Ang "Tethered", Semi-Tethered/Untethered" at "Untethered".


  • Tethered - ito ang ginagamit ng mga developer tulad ko. Sa madaling salita, hindi pa ito stable. Kapag namatay oh nalobat ang iPhone mo, hindi mo ito ma-o-ON. Hindi ito nararapat sa mga ordinaryong iPhone user. Lumalabas lang ito kapag may bagong version ng iOS ang lumabas.
  • Untethered - ito naman ang kabaliktaran ng "Tethered". Kahit mamatay oh malobat ang iphone mo, ayos lang. Kahit maubusan ka pa ng ulam dahil tanghali ka na gumising, ayos lang din.
  • Semi-Tethered/Untethered - ito naman ung version ng Jailbreak kung saan malapit nang matapos ang Tethered. pag na-OFF oh nalobat, pwede mo parin i-ON. Yun nga lang, ung mga Jailbreak Apps mo, hindi mo magagamit. Para ito sa mga excited at matitigas ang ulo. Lumalabas lang din ito kapag bago pa ang version ng iOS.

   Anu ba ang kahalagahan ng Jailbreak? Merong isang bagay na napaka importante. "DOWNGRADE". Sa tuwing may lalabas na bagong iOS version, asahan niyong wala pa itong "Untethered Jailbreak". Kaya kung anu man ang iOS version na gamit mo ngaun, i-Jailbreak ito mapa "Tethered" man oh "Semi" for emergency purposes. Ituturo ko din mamaya kung paano ito ginagawa para ikaw ay makapag downgrade.

   Ngayon, ituturo ko na kung paano. Unang-una sa lahat alamin ang version ng iOS mo.

  • Settings
  • General
  • About
  • Tignan ang Version
   Ito ang listahan ng mga iOS versions at ang knilang marapat na Jailbreak.

6.0.1 - Semi
6.0.0 - Semi
5.1.1 - Untethered
5.0.1 - Untethered
Earlier Versions - Untethered

   5.1.1 at 5.0.1 sa ngayon ang may stable na Jailbreak. Kung earlier naman ang version ng iOS mo, ok lang. May Untethered Jailbreak ka pa rin. Pero kung gusto mo mag upgrade dahil na sa iOS 4 ka pa, wag ka nang umasa. Kasalanan mo yan at hindi ka nag uupgrade. Pero wag kang mag-alala. Dahil sakin, matututo kna.

  Maraming klase ng Jailbreaking tool na pwedeng i-download sa internet. merong "Redsnow", "Absinthe", atbp. Pero since mahal ko kayong lahat, hindi ko na tatalakayin ang "Tethered", at "Semi". Pero kung gusto niyo talagang matuto. Mag-iwan lang ng comment at itanong ang gusto niyong malaman. Sasagutin ko ang mga katanungan niyo sa pamamaraan na maiintindihan niyo talaga.

   Ipagpalagay na natin na sa 5.1.1 pababa ang iOS mo. Para ma-Jailbreak, sundin ang mga ito.

   Mga kailangan:

  • iPhone (Siyempre)
  • Cable Connector (Siyempre)
  • Computer (Siyempre)
  • Internet Connection (Siyempre)
  • Absinthe (Ito muna ang gagamitin natin since i-assume natin na 5.1.1 pababa ang version niyo. Latest dapat ang i-download nyo. Makikita ito dito Absinthe)
  • Chiks/Boylet (Optional. Pampalakas ng loob)
   Kapag nakahanda na ang mga ito, lumabas ka sa inyong bahay at isigaw ang "ANG POGI NI ENZO!!" ahahhahaha!!

   I-set up na ang inyong Absinthe, i-install oh i-extract ito sa folder na matatandaan nyo.

   Mga gagawin:

  • I-open ang Absinthe sa Computer (Siguraduhing hindi naka open ang iTunes)
  • I-connect ang iPhone sa Computer (Minsan, hindi ito binabasa agad ng Absinthe. Tanggalin at isaksak lang ulit)
  • Click "Jailbreak"


   Hintaying matapos ang proseso at kapag ito ay natapos na, Jailbroken ka na!! Pero hindi pa tapos. Ito ang pinaka masayang part. Ang mga susunod ay nangangailangan ng Wi-Fi Connection.

   Sa inyong iPhone, i-Open ang bagong application na nagngangalang "Cydia".



   Mga gagawin:

  • Manage
  • Sources
  • Edit
  • Add
   Mga Sources na dapat i-add:

  • cydia.hackulo.us
  • repo.insanelyi.com




   Kapag nagawa mo na ang lahat, pumunta sa Hackulo.us, hanapin at i-download ang "Installous 5". Hintayin itong matapos.

   Kapag tapos na, bumalik sa Home Screen at i-Open ang Installous na application. Sa application na ito, makakapag download ka ng libre ng mga laro oh apps na may bayad sa Apple Store. Limpak limpak na salapi ang matitid mo hindi ba? hehe!!

   Kung meron kang chiks/boylet, pwede na kayong magtalik. AHAHAHAHAHA!!

   Sa mga susunod kong post, ituturo ko nman kung pano gamitin ang iTunes ng tama. Sasakupin ntin mula pag Sync ng Files hanggang paglalagay ng laro ng libre lamang since may Jailbreak na ang iPhone mo.

   Para sa may mga katanungan, mag iwan lamang ng comment dito sa blog na ito. Handa akong tulungan kayo para maka iwas, at lalong lalo na, makatipid dahil mahirap nang kitain ang pera ngaun.

   Maraming salamat! Peace! ^_^