iTunes
Maraming iDevice users ang nalilito at hindi marunong gumamit ng iTunes. Ang iTunes ay parang kapatid ng iPhone, iPod, at iPad. Kapag wala ka nito, para mo na ring sinabi na, may ari ka nga, wala ka namang partner.
iTunes - hindi ko alam kung ano ito. Sabihin na lang natin na, ito ang File Management System/Application na nasa Computer mo. Kung ano ang na sa iTunes mo, yun din ang laman ng iDevice mo.
Paano ba ito gamitin? Sa una, nakakalito talaga. Nasanay tau na lagay nlng ng lagay sa mga device natin. Mapa USB hanggang External Drives.
Ituturo ko sa inyo kung pano gamitin ang iTunes ayon sa klase ng File na gagamitin natin.
Mga uri ng common Files na pwedeng gamitin ng iTunes.
- Photos (JPEG,BITMAP, atbp.)
- Music (MP3)
- Videos (MPEG4 Files Only para sure)
- Books (PDF at nangangailangan ng iBooks App na pwedeng i-download sa Apple Store. Libre lamang ito)
- Apps (Mula Games hanggang Productivity. Mga Apps na pwedeng i-download sa Apple Store at (Installous - Sa mga may Jailbreak))
Advisable na sa bawat Files na ito, ay may kanya kanyang Folder sa Computer mo. Parang ganito.
PHOTOS
Umpisahan ntin sa Photos. Buksan ang iTunes at isaksak ang iDevice. Makikita mo ang pangalan ng iDevice mo. i-click mo ito. Ito ang sa akin.
Makikita sa itaas ang Summary, Info, Apps, Tones, Music, Movies, TV Shows, Books, at Photos. i-click ang Photos at eto ang makikita mo.
May mga options diyan na pagpipilian. Kung gumawa ka ng folder para sa mga photos mo, dito mo na rin siya hahanapin. Kapag ikaw ay nakapili oh nahanap mo na ang photo oh folder na hinahanap mo, i-click ang "Apply" oh "Sync" na nasa bandang baba, gawing kanan.
MUSIC
Sa music naman. Kelangan natin ilagay ang lahat ng music mo sa computer papuntang iTunes.
Ang gagawin mo lang ay, Buksan ang iTunes, pindutin sa keyboard ang "Ctrl + O" (Control + letter O), at hanapin ang folder kung saan nakalagay lahat ng music mo. Piliin lahat ng music at i-click ang "Open".
Pwede ring, hanapin mo muna lahat ng Music mo, piliin ito lahat, right click, at piliin ang "Open with..", at hanapin ang iTunes. Automatic na siyang malalagay sa iyong iTunes.
Isaksak ang iDevice, tulad ng nasa itaas kanina, i-click ang "Music", siguraduhing may check ang "Sync Music" at nakapili ang "Entire music library". I-click ang "Apply" oh "Sync" na nasa bandang baba, gawing kanan.
VIDEOS
Pareho lang ito ng ginawa natin sa Music. Ilalagay natin lahat ng Videos oh Movies sa ating iTunes. Dapat MPEG4 oh MP4 ang File Type ng Video at wala nang iba.
**Tandaan, naka depende sa iPhone mo ang Video na ilalagay mo. Depende sa resolution na kayang hawakan ng iyong iPhone.
Video resolutions na pwede sa iba't ibang iPhone:
- iPhone 5, 4s - 1080p and lower Video Resolution
- iPhone 4 - 720p and lower Video Resolution
- iPhone 3gs and Earlier Generations - 480p and lower Video Resolution
Kung naka iPhone 3gs ka tulad ko, hindi ka pwedeng maglagay sa iPhone mo ng 1080p dahil hindi niya ito kaya.
Ang paglalagay ng Videos oh Movies sa iyong iTunes ay pareho lang ng paglalagay ng Music sa iTunes. Nandun na rin ang mga Options kung gusto mo ilagay lahat, oh pipili ka lang ng gusto mong ilagay.
BOOKS
Kung mahilig kang magbasa ng FHM, Cosmo, at kung anu-ano pang magazine, mapa Pocket Book hanggang Mahahalay na babasahin, kailangan mo munang magdownload ng App sa Apple Store na iBooks. Libre lang itong App na ito.
Magbibigay ako ng isang link sa inyo bilang isang halimbawa kung saan pwede kayong mag download ng magazine sa inyong computer.
Link - FHM Magazines
Mga PDF Files ang magandang gamitin sa App na ito. Bukod sa malinaw na, w/ pictures pa. Ma-sasatisfy nga naman talaga ang kahalayan mo, oh ang pagkahilig mong magbasa.
Ang proseso ng paglalagay ng PDF Files oh Magazines ay pareho lang ng mga unang nabanggit. Sa mga oras na ito, sigurado akong natututo ka na kung paano gamitin ang iTunes.
APPS
Eto na ang pinaka masaya sa lahat. May dalawang klase ng paglalagay ng Apps. Ang iTunes, at Cracked Apps.
Sa iTunes, Makikita mo sa bandang kaliwa ang iTunes Store. Mula dito, makakapag download ka ng mga Apps na libre at meron ding may bayad. Dito magandang i-download ang mga Social Networking Apps tulad ng Facebook, Twitter, atbp.
Cracked Apps naman ang mga Apps na may bayad sa Apple Store "NGUNIT", pwede mo itong i-download ng libre lamang. Dito magandang mag download ng mga Games, Photo Editor, atbp. Pwede ka rin mag download ng tutorial kung paano tumambling.
**Tandaan, kahit meron kang cracked apps, hindi mo ito mailalagay sa iDevice mo kung wala ka namang Jailbreak. Tignan ang nauna kong post tungkol sa pag Jailbreak. At kung may katanungan, mag iwan lng ng comment.
Ang Cracked Apps ay sa Computer lamang na-iddownload. Ang proseso ng paglalagay nito papuntang iTunes ay pareho lang ng mga nauna. Ang pinaka masayang parte rito ay ang pagkakaroon ng mga may bayad na Apps, pero libre mo lang makukuha.
At dahil mabait si ako (hehe), bibigyan ko kayo ng link kung saan pwedeng mag download ng mga Cracked Apps.
Link - APPTRACKR
Pag experimentuhan nyo lang ang mga pa sikot sikot ng iTunes. Basta laging iisipin na, ang iTunes ay isang Management System. Parang katulong kumbaga.
Huwag mahiyang magtanong. Ginagawa ko ito para makatulong, at para sa ating lahat. Para makatipid na rin tulad ng paglalagay ng games. Kesa pupunta kpa sa Greenhills, kaya mo namang gawin mag-isa.
Mag-iwan ng comment kung may hindi masyadong malinaw sa instructions.
Ang susunod nating tatalakayin ay ang "JAILBREAK APPS & TWEAKS". Saya di ba?! haha!!
Idol. Dina download pba ang itunes sa computer?
ReplyDeleteBakit po ayaw makagawa ng apple id sa iphone 4s ko , yung nalabas po dun kelangan pa ng itunes .
ReplyDeleteBakit po ayaw makagawa ng apple id sa iphone 4s ko , yung nalabas po dun kelangan pa ng itunes .
ReplyDeleteBakit ang dami po problem iphone 4 ko 😥😥
ReplyDeletenice okay mga instructions mo natuto ako Sakit.info
ReplyDeleteGanyan din po ung akin patulong nman Po
ReplyDeleteMy iCloud na po ako pero po pag nag download ako need pa daw PO sa iTunes need Ng iTunes code San po ba makukuha ub
ReplyDelete